Meg Imperial on Maalaala Mo Kaya

Meg Imperial - Maalaala Mo Kaya | Marvill Web Development Philippines

Bago lumipad si Jake Cuenca patungong New York para sa isang buwan niyang intensive acting workshop, itatampok muna siya sa family drama episode ng "Maalaala Mo Kaya" ng ABS-CBN ngayong Sabado (Setyembre 20).

 Bibigyang-buhay ni Jake ang karakter ni Igge, isang ulirang anak na hindi itinuring na iba ang mga anak ng kanyang nanay sa ibang lalaki. Sa labis na pagiging mapagmahal sa pamilya, nagsilbi siyang ama sa kanyang mga kapatid matapos pumanaw ang kanilang ina.

Anong gagawin ni Igge kung matapos ang lahat ng kanyang sakripisyo ay biglang lilisanin siya ng kanyang mga kapatid?

Bahagi rin ng upcoming "MMK" episode sina John Manalo, Louise Abuel, Meg Imperial, Angelo Ilagan, Assunta de Rossi, Christopher Roxas, Juan Rodrigo, Lui Villaruz, Yna Estrada, Angeli Gonzales, at Junjun Quintana. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Nuel Naval at panulat ni Benson Logronio at Arah Jell Badayos. Ang "MMK" ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang "Maalaala Mo Kaya" na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, "MMK," tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng "Wansapanataym" sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKBrothersLove.

Source: MMK Official Fanpage

0
0
0
s2sdefault